Posts

Showing posts from August, 2017

ANG KONTROBERSYAL NA SUMMERSLAM

Image
Natapos ang Summerslam noong August 20. Maraming kontrobersya ang naganap na nagpapanigurong magiging makasaysayan ang pay-per-view na ito. Naging matagumpay ang Universal Champion na si Brock Lesnar at ang WWE Champion na si Jinder Mahal sa kanilang mga laban. Bigo si Shinsuke Nakamura na matalo si Jinder at inaasahan na hihingi ulit siya ng isab pang pagkakataon. Si Braun Strowman naman ang pinakamaganda ang pinakita laban kay Brock sa kanilang fatal 4 way match. Kasama niyang natalo si Samoa Joe at Roman Reigns. May bago ring mga tag team champions. Sina Dean Ambrose at Seth Rollins sa Raw at ang Usos sa Smackdown. Tinalo nila sina Sheamus at Cesaro sa Raw at ang New Day sa Smackdown. Bago rin ang mga women’s champions. Si Sasha Banks sa Raw at si Natalya sa Smackdown. Ang mga natalo rito ay sina Alexa Bliss (Raw) at Naomi (Smackdown). Nanatiling US Champion si AJ Styles laban kay Kevin Owens. Nabawi naman ni Neville ang Cruiserweight Championship kay Akira Tozawa. I...

MGA PREDIKSIYON PARA SA SUMMERSLAM 2017

Image
Narito ang aking mga prediksiyon sa mga laban na magaganap sa Summerslam ngayong Linggo sa US. • Matagumpay na maipagtatanggol ni Jinder Mahal ang kanyang WWE Championship laban kay Shinsuke Nakamura dahil sa pandaraya ng mga alalay ni Jinder na Singh twins. • Tatalunin ni John Cena si Baron Corbin pero magugulpi muna siya ng husto ni Corbin. • Mananalo si Rusev laban kay Randy Orton para maipwesto ang sarili sa kuntensyon sa WWE Championship. Magbabakasyon muna si Orton. • Mananatiling SMACKDOWN Tag Team Champions ang New Day at ito na ang huling laban nila ng Usos sa taong ito. • Itatanghal na SMACKDOWN Women’s Champion si Natalya dahil tatalunin niya si Naomi. • Mababawi ni Kevin Owens ang US Championship mula kay AJ Styles at may magiging kinalaman ang guest referee na si Shane Mcmahon. Matatalo ni Big Show si Big Cass dahil madidisqualify si Cass. Mananalo naman sa count-out si Finn Balor laban kay Bray Wyatt na tatakasan si Balir aka Demon King. • Ma...