MGA PREDIKSIYON PARA SA SUMMERSLAM 2017

Narito ang aking mga prediksiyon sa mga laban na magaganap sa Summerslam ngayong Linggo sa US.

Matagumpay na maipagtatanggol ni Jinder Mahal ang kanyang WWE Championship laban kay Shinsuke Nakamura dahil sa pandaraya ng mga alalay ni Jinder na Singh twins.


Tatalunin ni John Cena si Baron Corbin pero magugulpi muna siya ng husto ni Corbin.


Mananalo si Rusev laban kay Randy Orton para maipwesto ang sarili sa kuntensyon sa WWE Championship. Magbabakasyon muna si Orton.


Mananatiling SMACKDOWN Tag Team Champions ang New Day at ito na ang huling laban nila ng Usos sa taong ito.

Itatanghal na SMACKDOWN Women’s Champion si Natalya dahil tatalunin niya si Naomi.

Mababawi ni Kevin Owens ang US Championship mula kay AJ Styles at may magiging kinalaman ang guest referee na si Shane Mcmahon.

Matatalo ni Big Show si Big Cass dahil madidisqualify si Cass.

Mananalo naman sa count-out si Finn Balor laban kay Bray Wyatt na tatakasan si Balir aka Demon King.

Makukuha nina Dean Ambrose at Seth Rollins ang RAW Tag Team Championship mula kina Sheamus at Cesaro. Susunod nilang makakasagupa ang Hardy Boyz.

Magiging RAW Women’s Champion muli si Sasha Banks dahil tatalunin niya ang kasalukuyang kampeon na si Alexa Bliss.


Mababawi ni Neville ang Cruiserweight Championship kay Akira Tozawa.

Magwawagi ang Hardy Boys at si Jason Jordan laban kina Miz at ang Miztourage. Matapos ang ilang kabiguan, babalik na sa kuntensyon ang Hardys. Ipakikilala rin nila sa labang ito ang pagbabalik ng Broken gimmick. Makakakuha rin si Jordan ng IC match laban sa kampeon na si Miz.


At magkakaroon ng bagong Universal Champion sa katayuan ni Braun Strowman dahil tatalunin niya sina Roman Reigns, Samoa Joe at ang dumedepensang kampeon na si Brock Lesnar sa isang brutal na Fatal-Four-Way Match.

Mapapanood ang Summerslam sa WWE Network simula August 20 sa US at August 21 sa Pilipinasl

Comments