ANG KONTROBERSYAL NA SUMMERSLAM

Natapos ang Summerslam noong August 20. Maraming kontrobersya ang naganap na nagpapanigurong magiging makasaysayan ang pay-per-view na ito.



Naging matagumpay ang Universal Champion na si Brock Lesnar at ang WWE Champion na si Jinder Mahal sa kanilang mga laban. Bigo si Shinsuke Nakamura na matalo si Jinder at inaasahan na hihingi ulit siya ng isab pang pagkakataon. Si Braun Strowman naman ang pinakamaganda ang pinakita laban kay Brock sa kanilang fatal 4 way match. Kasama niyang natalo si Samoa Joe at Roman Reigns.

May bago ring mga tag team champions. Sina Dean Ambrose at Seth Rollins sa Raw at ang Usos sa Smackdown. Tinalo nila sina Sheamus at Cesaro sa Raw at ang New Day sa Smackdown.

Bago rin ang mga women’s champions. Si Sasha Banks sa Raw at si Natalya sa Smackdown. Ang mga natalo rito ay sina Alexa Bliss (Raw) at Naomi (Smackdown).

Nanatiling US Champion si AJ Styles laban kay Kevin Owens.

Nabawi naman ni Neville ang Cruiserweight Championship kay Akira Tozawa.

Ito ang resulta ng ibang laban:
Nanalo                      Natalo
John Cena                Baron Corbin
Randy Orton            Rusev
Miz at ang Miztourage      Hardy Boys at Jason Jordan
Finn Balor                 Bray Wyatt
Big Cass                     Big Show

Nagtagumpay ang WWE na gawing maganda at kapana-panabik ang Summerslam. Pinakapatok ang Fatal-4-Way match,Styles-Owens, Raw tag team match, Balor-Wyatt at Banks-Bliss.

Ang magagandang performance nina Strowman, Balor at Big Cass ang magbibigay sa kanila ng maraming oportunidad. Babalik sa kontensiyon sina Cena at Orton. Malalagay muli sa ilalim sina Corbin, Wyatt at Rusev.

Sa nakaraan kong sanaysay ay gumawa ako ng mga prediksyon para sa Summerslam. Walo sa labintatlong napili kong manalo ang tumama.

Comments